Friday, January 14, 2011

Bagong Taon... Bagong Konsensya

Hay... Salamat sa Diyos ay nalagpasan na naman natin ang isang taon na lumipas na punong-puno ng kulay sa mga pagsubok ng kalungkutan, kahirapan, pagdarahop at kasiyahan sa bawat hakbang na ating ginagalawan. Buti na lang tayong mga pinoy kahit anong bagyo ang dumating parati pa rin tayo may ngiti sa mga labi.

Ilang araw pa lang ang lumilipas ng bagong taon, pero heto na naman tayo at bibigyan na naman nating ng isang maganda at masalimuot na kasaysayan ng ating bayan. Simula pa lang ng unang araw ng taon hinding-hindi na nalilimutan sa listahan ng balita sa mga radyo, tv at pahayagan ang mga TINAMAAN NG PUTOK! Ayon sa sangay ng kalusugan at ng pambansang pulisya, mas bumaba pa rin daw ang bilang ng mga na aksidente sa paputok. Tsk. tsk... pero ang mas nakaka-gulat dito ay nandyan pa rin ang pagpapaputok ng baril.Kasama ba sa kasiyahan ang baril. Kung mamalasin ka, habang ikaw ay nagsasaya, kumakain, umiinom at maaring natutulog sayo pa tatama ang ligaw na bala na maari rin naman tumama sa tao mismong nagpaputok nito.  

Iyan ba ang magiging regalo natin sa ating sarili sa bagong taon? Paano mo haharapin ang bukas kung kaw mismo ang naging biktima na pagpapaputok ng baril. At paano naman kaya haharapin ng nagpaputok nito ang kanyang bukas kung alam nyan may tinamaan ng kanayang baril? Sana makonsensya ka naman!

No comments:

Post a Comment