Panahon na naman ng pagibig, sabi nga nila "love is in the air" ang sarap magmahal, kitang-kita mo ito sa mga magsing-irog, sa bawat kislap ng kanilang mga mata, ngiti sa kanilang mga labi na nagsasabi ng pagmamahal at kagalakan na nagmumula sa kanilang mga puso! Hay... "Ang pagibig nga naman pag pumasok sa puso ninoman, hahamakin lahat masunod ka lamang" isa sa sikat at palasak na pangungusap sa mga pinoy na nagpapakita ng wagas na pagibig na hango sa aklat ng Florante at Laura. Sa kasaysayan ng libro na ito, makikita natin kung gaano kasarap magmahal at harapin ang mga balakit sa buhay na katuwang mo ang iyong mahal sa buhay. Kahit dumating man ang matinding pasubok at kahirapan ay ayos lang, basta sa bandang huli magkasama kayo sa habang-buhay.
Ngayong panahon ng mga puso. Lalong namumutawi sa ating mga labi, ang pag-ibig sa iniirog. Ang mga pilipino, Sadyang di kinakalimutan, pagbibigay ng rosas at tsokolate. Sasabayan pa ng date. Magins sa Luneta man mapasyal ay OK lang. Kung minsan naman ay sa Mall of Asia o sa SM Malls na sadyang parte na ng medernong kultura nating mga Pilipino.
Sa piling ng ating mga minamahal tayo ay sadyang nakukumpleto lalo pa at alam nating ang pag-ibig ay wagas at totoo. Kumpleto na ang buhay.
